Monday, February 10, 2014

Pnoy walang suporta sa atletang PINOY?

image credits to philnews.ph
Olympics, ang tinuturing na pinaka malaki at inaabangang palaro sa buong mundo. Dito nag tatagisan ng galing ang mga atleta sa bawat panig ng Mundo. Ang maglaro dito at maging kinatawan ang iyong bansa ay isang karangalan at pangarap ng bawat manlalaro.

Ngayong taon ay kasalukuyang nagaganap ang 2014 Sochi.ru Winter Olympics kung saan nilalahukan ng mga bansa na karaniwang nagkakaroon ng winter. Ngunit ngayong taon din ay nagulat ang buong mundo dahil nagkaroon ng kintawan ang Pilipinas bagamat ang ating bansa ay kilala bilang trophical country.

Si Michael Christisn Martinezay di lamang ang kauna unahang Pilipino sa Winter Olympics, siya din ang pinaka unang atleta mula sa timog silangang asya na lumahok sa naturang palaro. Napansin at humanga ang buong mundo di lamang sa galing ni Michael  kundi sa kanyang kompiyansa na kahit mag is alang siya ay mabibigyan niya ng karangalan an gating bansa.

Ngunit , Bakit di sinupurtahan ng gobyerno ang atletang ito?

Kumakalat ngayon sa internet ang di umanoy pagsanla ng bahay at lupa nila Michael para makapunta sa nasabing palaro. Na di daw pinansin ng Pangulo ang mga magulang ni Michael ng minsa’y humungi ito ng pinansyal na supporta dito.

As for support from the Philippine government, “I don’t even think anyone at the president’s office knows there’s a Filipino skating in the Olympics,” said Teresa Martinez, who said she has written the office several times asking for help.
“My house is mortgaged. It’s a crazy investment,” she said.

Nakaksama ng loob ng ang taong minsan ay nangako na magsisislbi sa ating bayan at sa bawat Pilipino ay parang di naman marunong tumupad sa pangako at tumanaw ng utang na loob sa mga taong nagluklok sa kanya.

Magkano ba ang kelangan para maipadala ang isang kinatawan ng pilipinas para maayos niyang maitayo ang bandila ng Pilipinas sa pang daigdigang palaro? Di nman siguro aabot ng Isang milyon para rito?
Hindi ba dapat ang mga taong katulad ni Michael na kahit nung umpisa palang ay nagbib igay na ng karangalang sa bansa sa pamamagitan ng pag uwi ng medalya sa ibat ibang kompetisyon ay inaalagaan, sinusuportahan at binibigyan ng tamang attensiyon?

Di nman siguro hamak na mas maliit ang halaga ang kelangan ng isang atleta kesa sa patong sa ulo no Janet Napoles nung siya’y pinag hahanap pa?

At higit sa lahat papaano natiis ng mga lider ng bansang to na kelangan pang I sugal ang ari arian ng magulang ng isang magaling atleta para ma ikatawan an gating bansa? 

Hindi ba naisip ng mga lider na to  na pinaghirapan yun ng kanyang mga magulang na maaring mawala sa isang iglap lamang?

Tanong ng karamihan, Bakit daw mailap sa Pilipinas ang Medalya sa Olympics?
Ngayon sa tingin ko ay nasagot na ang dahilan. Dahil sa walang suporta ang gobyerno.


Thursday, July 11, 2013

Dalawampu’t tatlong taong pasasalamat.

Bawat taong lumipas ay nag daraos ako ng aking kaarawan, may handaan at higit sa lahat may mga regalo. Parati akong nagpapasalamat sa mga taong nakisaya, bumati at nagbigay ng regalo ngunit  aking nakakaligtaan ang mga bagay at taong  nagbigay sa akin ng saya at pag papahalaga.

Hulyo 12, 1990 ng ako ay nabigyang buhay, ang araw kung saan ang aking ina ay binuwis ang kanyang buhay upang ako ay isilang katabi ang aking ama na naging lakas niya sa mga oras na iyon.



Dapat lang sigurong unahin kong mag pasalamat sa aking mga magulang na nagbigay ng pagmamahal, pag aaruga, konsiderasyon at sumoporta sa lahat ng aking laban. Syempre isusunod ko na dyan ang aking mga lolo at lola na kahit kadalasan ay kinokonsente ako sa aking mga di magandang gawain ay lagging andyan din para gumabay at buong pusong nagbigay at nag sakripisyo tuwing ang aking pamilya ay may problema. Ma, Pa, Lo at La maraming maraming salamat po!

Ang aking mga kapatid na handang tumulong sa mga problemang hnd ko kayang isangguni  sa aking mga magulang. Sila ang naging pinaka matalik kong kaibigan at kakampi. Kay Josh,  Carla April at Kim hindi niyo alam kung papaano niyo napapagaan ang loob ko tuwing may problema. Salamat!

Isa pa sa mga taong naging bahagi ng aking pagkatao ay ang akimg mga tito at tita sila Tita Cynthia, Nang, Tito Alex, Tito Vic, Tita Rose at Tita trudis na andyan palagi tuwing ang aking mga magulang ay wala upang ako at ang aking mga kapatid ay gabayan. Salamat po!


Isusunod ko nmang pasalamatan ay ang aking mga kaibigan na kadalasanng kasama ko sa kalokohan sina Fabz, Liz at Fatima na kahit mag kakalayo na kami ay patuloy parin ang pagtulong sa isat isa. Salamat at miss ko na kayo.

Syempre nasa listahan din si Robert, Ate Arlene,Gherald, Mariz , Jess at Pelidda na naging kasama ko sa pagbuno sa pag aaral sa kolehiyo. Sa kanila ko natutunan ang magtiwala sa ibang tao. Salamat sa pagiging tapat na kaibigan.

Dumako naman tayo sa mga taong kasalukuyan kung nakakasama sa aking trabaho. Mam Vanj at Sir Sonny, salamat sa tiwalang ibinigay niyo sa akin. Alam ko na kulang pa ang aking kakayahan pero ipinagkatiwala niyo sa akin ang isang posisyon na mas nararapat sa iba at hindi ko po sasayangin ang oportunudad na ibinigay niyo sa akin . Tatanawin ko itong utang na loob sa inyo. Salamat po!

Si Rom, Kent, Irene at Mc salamat sa pakikinig sa aking mga problema at palaging nandyan tuwing kelangan ko ng kausap.


Pano ko makakalimutan ang mga taong bumubuhay sa isang bagay na sobra sobra kung pinahahalagahan – ang TalkTV. Salamat kay Ej, Louie at Glena na parating sumusuporta sa aking pangarap na mas makilala ang TalkTV Global. Alam ko na matagal pa tayong magkakasama.

Higit sa lahat maraming maraming salamat sa diyos na nagbigay sa akin ng buhay at nagbigay buhay sa mga taong nagmamahal, sumosuporta, gumagabay at tumutulong sa pag abot na aking mga munting pangarap.

Muli Maraming salamat sa inyong lahat! Alam kung parati kayong nandiyan at handang samahan ako sa aking sususnod na dalawanpu’t tatlong taon ng pakikipagsapalaran sa pag abot ng aking pangarap. J

Sunday, May 26, 2013

Saktong promo?GOsakto na!

Saktong promo ba ang hanap mo? Yung promo na sakto sa budget at pangangailangan mo? Puwes ito ang promo na sakto sayo! Globe GOsakto - into nga ang prepaid promo na nagbibigay ng kapanyarihan sa subscriber na pumili ng serbisyo ng validity at pangalan nang sariling promo.

Ang buong barkada nga ay gumagamit na ng Gosakto para mag kamustahan lalo na't kami ay di na masyadong nag kakausap dahil sa busy sa trabaho.

Ang promo na gamit ng buong barkada at pinagalanan naming BKads49 - unlimited call to Globe/TM plus 50 texts to all network, 49 pesos lanng for 3 days!

Pano mag-register? Simple Lang!


I dial lang ang *143#




Piliin ang number 1 para as Gosakto


Piliin ulit ang 1 para mag create ng promo.


Piliin ang 4 para sa call and text promo


Piliin ang 1 para sea tawag sa globe and TM. At 5 para as unlimited call.


Piliin ulit sang 2 para sa allnet text at 1 para sa 50 text.


Piliin naman sang 3 para sa 3 days validity.


At piliin lang ulit ang 1 para maregister sang promo.



Di bat napakasimple lang? Ano pa inaantay niyo?! Makiuso na! Mag GOsakto na!


Saturday, March 30, 2013

Boto Ko Babantayan Ko!


“Ang Kabataaan ang Pag asa ng Bayan”

Ang mensaheng yan ni Rizal ang nagpapatunay na tayong mga kabataaan ay may magagawa para sa ikabubuti ng ating bayan. Kayang Kaya nating maging parte ng pagbabago tungo sa ika uunlad ng ating bansa.

Ngunit nasaan tayo? Nasa harap ng kompyuter at naglalaro ng online games o di kaya ay naka babad sa facebook at twitter. Ang iba namay nagliliwaliw sa mga mall at sa kung saan saang gimikan dyan.

Aminin man natin o hindi karamihan sa kabataan ngayon ay walang pakialam sa tunay na kalagayan ng ating bansa at isinasantabi ang kakayahan nating baguhin ang kinabukasan nito. Kahit ang simpleng pagboto sa mga lider na mamumuno sa ting bayan ay di natin magawa ng maayos lalong lalo na ang bantayan ang mga botong ito.

Ngayong parating na eleksyon nakakabahala nga ang sinasabing Hi tech na dayaan, ika nga nila naging hi tech na ang botohan at bilangan kaya hi tech na din ang dayaan. Marami na ang nagpapatunay na maaring samantalahin ng mga politikong uhaw sa kapangyarihan ang kakayahan ng mga hackers para manalo sa eleksyon.

Papayag ba tayong mga kabataan na dayain tayo?

Ito na ang panahon upang patunayan natin na tayo ang pag asa ng bayan di lamang sa pagboto ng karapat dapat na lider ngunit pati na rin sa pag babantay ng boto. Kayang kaya nating supilin ang dayaan sa pamamagitan ng pagmamasid sa halalan lalong lalo na sa bilangan.

Kung dati ay ginagamit natin ang ibat ibang social networking sites para makahanap ng mga bagong kaibigan at sa komunikasyon ito na ang panahon upang gamitin ang kakayahan ng mga ito sa pagbabantay ng ating mga boto. Kunan ng mga litrato ang mga irregularidad na mapupuna at mag update ng mga kaganapan sa facebook  at twitter upang agad malaman ng mga kinauukulan ang mga nangyayari sa bawat precinto at maaksyunan ang mga irregularidad sa halalan.

Tara na at bantayan ang bawat boto at siguraduhing nabibilang ang bawat isa dito sa kandidatong ating pinili at iluluklok. Ita na ang tamang oras at panahon upang ipakita ang kakayahan nating mga kabataan na tayo ang tunay na pag asa n gating bayan.

Ano pang inaantay niyo?! Tara na at ngayon pa lang ay isa isahin nating bantayan ang mga kandidatong nandadaya na sa pamamagitan ng pagbili ng boto at di pagtupad sa mga batas ng kampanya. 

PCOS: katiwa-tiwala nga ba?

Supilin ang dayaan sa eleksyon. Yan ang pangunahing dahilan kung bakit ipinanganak ang PCOS Machine, upang mas mapabilis ang pagbilang sa bawat boto ni juan at matangal ang pag mamanipula ng mga resulta buhat ng manual at makupad na pagbibilang.


Noong 2010 naitatak sa kasaysayan ng Pilipinas ang kauna unahang Computerized election, sabihin man nating hindi ganun ka tagumpay ang paggamit nito sa kadahilanang maraming PCOS Machine ang nag ka aberya ay nadagdagan naman ang credibilidad ng resulta ng botohan.

Ngayong 2013 muli nanaman nating gagamitin ang makabagong teknolohiyan ito sa pagluklok ng bagong mamamahala sa ating bayan. Ngunit sa pag usbong ng bagong teknolohiyang ito ay ang paglaganap din ng isang High tech na paraan din ng pandaraya.

Hacking ang isa sa maaring paraan para mapalitan at imanipula ang mga boto ng bawat isa sa atin pero mukhang masyadong kompiyansa ang comelec na hindi ma hahack ang PCOS at hinamon pa nga ni Com. Brillantes and mga Hackers. Ang sa akin lang pano mo pagkakatiwalaan ang isang taong umamin na isa siyang IT illiterate?  

Hindi ba nila naisip na kahit ang mga systems at servers ng mga malalaking bansa ay na hahack na gumagamit ng mas matinding security sa kanilang mga servers.

Ayon nga sa isang article sa http://manilastandardtoday.com sinabi ni re electionist Senator Alan Peter Cayetano na may mga taong nag aalok ng kakaibang serbisyo na magbibigay ng siguradong pagkapanalo sa eleksyon sa pamamagitan ng pagmanipula sa PCOS machine kapalit ng malaking halaga.

Nakapaloob din sa article na ito na nuong 2010 elections may isang presidentiable at mayor ang inalok ng serbisyong ito at tumanggi, sa kasamaang palad parehas silang natalo. Ibig sabihin nito ay nuong 2010 palang ay meron ng mga hackers na nakialam sa resulta ng botohan.

Patunay lang nito na kung gusto may paraan at di na natin maalis ang dayaan dito sa ating bansa na dulot ng pagkagahaman ng mga taong uhaw sa kapangyarihan.

Bakit natin ipagkakatiwala ang ating mga boto sa isang aparatong akala nati’ý  magbibigay ng malinis at tapat na resulta ng eleksyon?

Ikaw?!May tiwala kaba sa PCOS?!


Friday, March 8, 2013

Repost: Winnability of Espino vs Braganza

The campaign strategy of Mayor Hernani Braganza has fallen deeper into a dark pit shrouded with lies, illusions and black propaganda.
When two highly respected political analysts from the University of the Philippines were quoted in the Philippine Daily Inquirer yesterday ( March 6, 2013) for issuing statements that “Machinery and track record to decide Pangasinan (gubernatorial) race,” Braganza hastily produced a press release that “voters, not party machinery, win election.”

For those who are not politically aware, the press release of Braganza looks impressive. But if you base the story on the real political situation in Pangasinan, you will see a lucid concoction of lies wrapped with illusions and dirty tricks.


Let us compare some portions of the story that came out in the Inquirer and the press release of Braganza before understanding the truth.


Inquirer story goes: “Political analysts say that for a province with 1.6 million voters scattered in 44 towns and four cities, a candidate’s political machinery and track record would be very crucial to win the race. Records of the Commission on Elections show that NPC has fielded 43 mayoral candidates with 28 of them running for re-election. In contrast, LP only has 29 mayoral candidates , three of them seeking re-election. These figures simply indicate that NPC is better organized and has a well-oiled machinery in the province.”


Braganza’s Press Release: “Braganza, the Liberal Party’s gubernatorial candidate in Pangasinan, said voters in the provinces have grown wary of traditional politicians who rely on party machinery to woo supporters in electoral campaigns. ‘The days of the monolithic party machineries are over. Voters, not party machinery, win elections,’ said Braganza.”


Facts: Governor Espino has a track record of winning elections based on performance and non-traditional political strategy that brought him to an overwhelming landslide victory against a well-entrenched traditional political family in the last gubernatorial elections with 74% of the voters going for Espino and 26% favoring his opponent.

Present Scenario: Watch the crowd attending the gathering of Gov. Espino and Mayor Braganza. Braganza’s Peace and Development consultations can only gather a small and lukewarm crowd of a few hundreds while Espino’s I Love Pangasinan Movement Caravan draws a large enthusiastic crowd by the thousands.
Even in Alaminos City, 23 of 39 barangay captains have expressed disgust over the leadership of Braganza.
Fearless Forecast: Well-oiled machinery + sterling performance + extreme public support versus lack of machinery, lack of performance and lack of public support = 95% voters for Espino and 5% voters or less for Braganza.

Aside from the machinery and performance issue, the press release of Braganza highlighted the cases filed against governor Espino and that the governor is playing dirty politics.

Facts: The three cases filed against Governor Espino, which are obviously the handiwork of Braganza, have all backfired.

First, the Blacksand issue filed at the Office of the Ombudsman has become a “wasted effort” with the issuance of the Environmental Compliance Certificate of the DENR to the Lingayen Gulf Course Project and the public statement of DENR-MGB Regional Director that extraction of black sand at the proposed golf course is necessary to allow golf grasses and other vegetations to grow.


Second, the plunder case on Jueteng was doused off with cold water when the former PNP provincial director said that Pangasinan is 96% Jueteng-Free and no evidence cropped up aside from the hearsay statements of a self-confessed Jueteng operator.


Third, the murder charges have become a laughing stock among Pangasinenses especially the lawyers. The members of the Martinez family have been emphatic in saying Gov. Espino and Congressman Celeste have nothing to do with the murder of the late Mayor Martinez. They have been saying all along that their suspect was the political opponent of Mayor Ruperto.


On the contrary, the plunder case filed by incumbent and former barangay captains in Alaminos against Braganza is already docketed at the Office of the Ombudsman.


The truth is, it is the camp of Braganza that is not only playing dirty politics but is executing an untried destructive political ploy that might set a bad precedent to an electoral campaign in a democratic country. (Arian Bermas)

Tuesday, February 26, 2013

Lipad! Lipad!


Wag matakot lumipad ng mataas! Kung mangangarap ka yun ng pinakamatayog.

Ito ang tumatak sa aking utak pagkatapos ng isang pagpupulong na aking dinaluhan. Dito ako nakapag isip at makpag munimuni na pwede palang matupad kahit ang mga pinakamatayog kung pangarap.

Gaya ng magkapatid na orville na literal na lumipad ang mga pangarap, tiwala sa sarili, determinasyon at tiyaga ang susi sa pag abot sa ating mga pinaka aasam asam na pangarap. Gaano man ito ka taas dapat nating isipin na wala naming imposible kung gagawin natin ang lahat n gating makakaya.
Totoo na kadalasan, sa taas n gating pangarap tayo ay bumubulusok pababa. MASAKIT! MAHIRAP. 

Ngunit wag nating hayaan ang kabiguan na lamunin ang ating pag asang mararating at makakamit natin an gating mga pangarap. Kelangan nating umabante at lumipad ulit harapin ang bawat problema gibain ang mga hadlang at taas nuong abutin ang ating mithiin.

Sa halip gawing instrumento ang bawat pagkabigo upang mas maging malakas. Gawing sandata ang masakit na pagbagsak at isiping wala ng sasakit pa sa mga naranasang delubyo sa buhay.

Gaya ng magkapatid na Orville ilang beses din silang nabigo, pinagtawanan, hinusgahan at nalaglag. Ngunit hindi sila sumuko hanggang lumipad ang kanilang pangarap.

Katulad nila sana lahat tayo ay tularan ang kanilang determinasyon, tiyaga at tiwala sa sarili at tulad nila ay lumipad din tayo ng mataas kasama ng ating mga PANGARAP.