Thursday, July 11, 2013

Dalawampu’t tatlong taong pasasalamat.

Bawat taong lumipas ay nag daraos ako ng aking kaarawan, may handaan at higit sa lahat may mga regalo. Parati akong nagpapasalamat sa mga taong nakisaya, bumati at nagbigay ng regalo ngunit  aking nakakaligtaan ang mga bagay at taong  nagbigay sa akin ng saya at pag papahalaga.

Hulyo 12, 1990 ng ako ay nabigyang buhay, ang araw kung saan ang aking ina ay binuwis ang kanyang buhay upang ako ay isilang katabi ang aking ama na naging lakas niya sa mga oras na iyon.



Dapat lang sigurong unahin kong mag pasalamat sa aking mga magulang na nagbigay ng pagmamahal, pag aaruga, konsiderasyon at sumoporta sa lahat ng aking laban. Syempre isusunod ko na dyan ang aking mga lolo at lola na kahit kadalasan ay kinokonsente ako sa aking mga di magandang gawain ay lagging andyan din para gumabay at buong pusong nagbigay at nag sakripisyo tuwing ang aking pamilya ay may problema. Ma, Pa, Lo at La maraming maraming salamat po!

Ang aking mga kapatid na handang tumulong sa mga problemang hnd ko kayang isangguni  sa aking mga magulang. Sila ang naging pinaka matalik kong kaibigan at kakampi. Kay Josh,  Carla April at Kim hindi niyo alam kung papaano niyo napapagaan ang loob ko tuwing may problema. Salamat!

Isa pa sa mga taong naging bahagi ng aking pagkatao ay ang akimg mga tito at tita sila Tita Cynthia, Nang, Tito Alex, Tito Vic, Tita Rose at Tita trudis na andyan palagi tuwing ang aking mga magulang ay wala upang ako at ang aking mga kapatid ay gabayan. Salamat po!


Isusunod ko nmang pasalamatan ay ang aking mga kaibigan na kadalasanng kasama ko sa kalokohan sina Fabz, Liz at Fatima na kahit mag kakalayo na kami ay patuloy parin ang pagtulong sa isat isa. Salamat at miss ko na kayo.

Syempre nasa listahan din si Robert, Ate Arlene,Gherald, Mariz , Jess at Pelidda na naging kasama ko sa pagbuno sa pag aaral sa kolehiyo. Sa kanila ko natutunan ang magtiwala sa ibang tao. Salamat sa pagiging tapat na kaibigan.

Dumako naman tayo sa mga taong kasalukuyan kung nakakasama sa aking trabaho. Mam Vanj at Sir Sonny, salamat sa tiwalang ibinigay niyo sa akin. Alam ko na kulang pa ang aking kakayahan pero ipinagkatiwala niyo sa akin ang isang posisyon na mas nararapat sa iba at hindi ko po sasayangin ang oportunudad na ibinigay niyo sa akin . Tatanawin ko itong utang na loob sa inyo. Salamat po!

Si Rom, Kent, Irene at Mc salamat sa pakikinig sa aking mga problema at palaging nandyan tuwing kelangan ko ng kausap.


Pano ko makakalimutan ang mga taong bumubuhay sa isang bagay na sobra sobra kung pinahahalagahan – ang TalkTV. Salamat kay Ej, Louie at Glena na parating sumusuporta sa aking pangarap na mas makilala ang TalkTV Global. Alam ko na matagal pa tayong magkakasama.

Higit sa lahat maraming maraming salamat sa diyos na nagbigay sa akin ng buhay at nagbigay buhay sa mga taong nagmamahal, sumosuporta, gumagabay at tumutulong sa pag abot na aking mga munting pangarap.

Muli Maraming salamat sa inyong lahat! Alam kung parati kayong nandiyan at handang samahan ako sa aking sususnod na dalawanpu’t tatlong taon ng pakikipagsapalaran sa pag abot ng aking pangarap. J

No comments:

Post a Comment