Saturday, March 30, 2013

Boto Ko Babantayan Ko!


“Ang Kabataaan ang Pag asa ng Bayan”

Ang mensaheng yan ni Rizal ang nagpapatunay na tayong mga kabataaan ay may magagawa para sa ikabubuti ng ating bayan. Kayang Kaya nating maging parte ng pagbabago tungo sa ika uunlad ng ating bansa.

Ngunit nasaan tayo? Nasa harap ng kompyuter at naglalaro ng online games o di kaya ay naka babad sa facebook at twitter. Ang iba namay nagliliwaliw sa mga mall at sa kung saan saang gimikan dyan.

Aminin man natin o hindi karamihan sa kabataan ngayon ay walang pakialam sa tunay na kalagayan ng ating bansa at isinasantabi ang kakayahan nating baguhin ang kinabukasan nito. Kahit ang simpleng pagboto sa mga lider na mamumuno sa ting bayan ay di natin magawa ng maayos lalong lalo na ang bantayan ang mga botong ito.

Ngayong parating na eleksyon nakakabahala nga ang sinasabing Hi tech na dayaan, ika nga nila naging hi tech na ang botohan at bilangan kaya hi tech na din ang dayaan. Marami na ang nagpapatunay na maaring samantalahin ng mga politikong uhaw sa kapangyarihan ang kakayahan ng mga hackers para manalo sa eleksyon.

Papayag ba tayong mga kabataan na dayain tayo?

Ito na ang panahon upang patunayan natin na tayo ang pag asa ng bayan di lamang sa pagboto ng karapat dapat na lider ngunit pati na rin sa pag babantay ng boto. Kayang kaya nating supilin ang dayaan sa pamamagitan ng pagmamasid sa halalan lalong lalo na sa bilangan.

Kung dati ay ginagamit natin ang ibat ibang social networking sites para makahanap ng mga bagong kaibigan at sa komunikasyon ito na ang panahon upang gamitin ang kakayahan ng mga ito sa pagbabantay ng ating mga boto. Kunan ng mga litrato ang mga irregularidad na mapupuna at mag update ng mga kaganapan sa facebook  at twitter upang agad malaman ng mga kinauukulan ang mga nangyayari sa bawat precinto at maaksyunan ang mga irregularidad sa halalan.

Tara na at bantayan ang bawat boto at siguraduhing nabibilang ang bawat isa dito sa kandidatong ating pinili at iluluklok. Ita na ang tamang oras at panahon upang ipakita ang kakayahan nating mga kabataan na tayo ang tunay na pag asa n gating bayan.

Ano pang inaantay niyo?! Tara na at ngayon pa lang ay isa isahin nating bantayan ang mga kandidatong nandadaya na sa pamamagitan ng pagbili ng boto at di pagtupad sa mga batas ng kampanya. 

No comments:

Post a Comment