Noong 2010 naitatak sa kasaysayan ng Pilipinas ang kauna
unahang Computerized election, sabihin
man nating hindi ganun ka tagumpay ang paggamit nito sa kadahilanang maraming
PCOS Machine ang nag ka aberya ay nadagdagan naman ang credibilidad ng resulta
ng botohan.
Ngayong 2013 muli nanaman nating gagamitin ang makabagong
teknolohiyan ito sa pagluklok ng bagong mamamahala sa ating bayan. Ngunit sa
pag usbong ng bagong teknolohiyang ito ay ang paglaganap din ng isang High tech na paraan din ng pandaraya.
Hacking ang isa sa maaring paraan para mapalitan at
imanipula ang mga boto ng bawat isa sa atin pero mukhang masyadong kompiyansa
ang comelec na hindi ma hahack ang PCOS at hinamon pa nga ni Com. Brillantes
and mga Hackers. Ang sa akin lang pano mo pagkakatiwalaan ang isang taong
umamin na isa siyang IT illiterate?
Hindi ba nila naisip na kahit ang mga systems at servers ng
mga malalaking bansa ay na hahack na gumagamit ng mas matinding security sa
kanilang mga servers.
Ayon nga sa isang article sa http://manilastandardtoday.com sinabi
ni re electionist Senator Alan Peter Cayetano na may mga taong nag aalok ng kakaibang
serbisyo na magbibigay ng siguradong pagkapanalo sa eleksyon sa pamamagitan ng
pagmanipula sa PCOS machine kapalit ng malaking halaga.
Nakapaloob din sa article na ito na nuong 2010 elections may
isang presidentiable at mayor ang inalok ng serbisyong ito at tumanggi, sa
kasamaang palad parehas silang natalo. Ibig sabihin nito ay nuong 2010 palang
ay meron ng mga hackers na nakialam sa resulta ng botohan.
Patunay lang nito na kung gusto may paraan at di na natin
maalis ang dayaan dito sa ating bansa na dulot ng pagkagahaman ng mga taong
uhaw sa kapangyarihan.
Bakit natin ipagkakatiwala ang ating mga boto sa isang
aparatong akala nati’ý magbibigay ng
malinis at tapat na resulta ng eleksyon?
Ikaw?!May tiwala kaba sa PCOS?!
No comments:
Post a Comment