Monday, February 10, 2014

Pnoy walang suporta sa atletang PINOY?

image credits to philnews.ph
Olympics, ang tinuturing na pinaka malaki at inaabangang palaro sa buong mundo. Dito nag tatagisan ng galing ang mga atleta sa bawat panig ng Mundo. Ang maglaro dito at maging kinatawan ang iyong bansa ay isang karangalan at pangarap ng bawat manlalaro.

Ngayong taon ay kasalukuyang nagaganap ang 2014 Sochi.ru Winter Olympics kung saan nilalahukan ng mga bansa na karaniwang nagkakaroon ng winter. Ngunit ngayong taon din ay nagulat ang buong mundo dahil nagkaroon ng kintawan ang Pilipinas bagamat ang ating bansa ay kilala bilang trophical country.

Si Michael Christisn Martinezay di lamang ang kauna unahang Pilipino sa Winter Olympics, siya din ang pinaka unang atleta mula sa timog silangang asya na lumahok sa naturang palaro. Napansin at humanga ang buong mundo di lamang sa galing ni Michael  kundi sa kanyang kompiyansa na kahit mag is alang siya ay mabibigyan niya ng karangalan an gating bansa.

Ngunit , Bakit di sinupurtahan ng gobyerno ang atletang ito?

Kumakalat ngayon sa internet ang di umanoy pagsanla ng bahay at lupa nila Michael para makapunta sa nasabing palaro. Na di daw pinansin ng Pangulo ang mga magulang ni Michael ng minsa’y humungi ito ng pinansyal na supporta dito.

As for support from the Philippine government, “I don’t even think anyone at the president’s office knows there’s a Filipino skating in the Olympics,” said Teresa Martinez, who said she has written the office several times asking for help.
“My house is mortgaged. It’s a crazy investment,” she said.

Nakaksama ng loob ng ang taong minsan ay nangako na magsisislbi sa ating bayan at sa bawat Pilipino ay parang di naman marunong tumupad sa pangako at tumanaw ng utang na loob sa mga taong nagluklok sa kanya.

Magkano ba ang kelangan para maipadala ang isang kinatawan ng pilipinas para maayos niyang maitayo ang bandila ng Pilipinas sa pang daigdigang palaro? Di nman siguro aabot ng Isang milyon para rito?
Hindi ba dapat ang mga taong katulad ni Michael na kahit nung umpisa palang ay nagbib igay na ng karangalang sa bansa sa pamamagitan ng pag uwi ng medalya sa ibat ibang kompetisyon ay inaalagaan, sinusuportahan at binibigyan ng tamang attensiyon?

Di nman siguro hamak na mas maliit ang halaga ang kelangan ng isang atleta kesa sa patong sa ulo no Janet Napoles nung siya’y pinag hahanap pa?

At higit sa lahat papaano natiis ng mga lider ng bansang to na kelangan pang I sugal ang ari arian ng magulang ng isang magaling atleta para ma ikatawan an gating bansa? 

Hindi ba naisip ng mga lider na to  na pinaghirapan yun ng kanyang mga magulang na maaring mawala sa isang iglap lamang?

Tanong ng karamihan, Bakit daw mailap sa Pilipinas ang Medalya sa Olympics?
Ngayon sa tingin ko ay nasagot na ang dahilan. Dahil sa walang suporta ang gobyerno.


No comments:

Post a Comment