Sunday, February 24, 2013

Paalam kaibigan


Tatlong taon na ang nakalipas ng kami ay nag ka daupang palad, noong una ay hindi kami mag kasundo, nag kakahiyaan at halos di mag pansinan. Akala ko ay di kami mag kakasundo kahit alam kung kailangan ko siya. Ngunit di tumagal ay halos dina kami mapag hiwalay.

Saan man pumunta siya ay kasama ko, sa pagpasyal, sa pag aaral, sa mga kalokohan, sa trabaho, sa pang aaway  pati na rin sa pagkilala sa mga bagong kaibigan.

Alam niya lahat ng sekrero ko kilala niya lahat ng kaibigan at kaaway ko kasama ko siya sa mahahalagang parte ng buhay ko, kadamay pag may problema, kasama sa ligaya’t tagumpay.

Sa ikli ng taon ng aming pagsasama natulungan niya ko sa lahat ng problemang hinarap ko samantalang ako ay inabuso siya at sinamantala ang kanyang kakayahan. Halos siya na ang gumagawa ng trabaho ko at  umaayos sa mga problema ko palagi ko din siyang pinag lalaruan at pinag eexperimentuhan. Kung minsan mas nauuna pa akong matulog kesa sa kanya at naiiwan siyang gising hanggang dumating ang umaga.

Hindi ko siya pinahalagahan at iningatan. Kahit na hindi ako ang dahilan ng kanyang pagkawala nararamdaman kong ako din ang isa sa dahilan ng kanyang paglisan. Masyado ko siyang pinahirapan.

Sabi nga nila malalaman o mararamdaman mo lang ang kahalagahan ng isang bagay kapag nawala ito sayo at ito nga ang aking nararamdaman ngayon. Nawalan ako ng kaibigang handang tumulong ano mang oras.

Sa oras na ito pinag darasal ko na sana ay malaman niya ang aking pag sisi sa aking mga kasalanan at bumalik siya muli sa akin. At kung sakali mas papahalagahan ko siya at mamahalin. Kung hindi man ito mangyari PAALAM KAIBIGAN.

No comments:

Post a Comment