Tuesday, February 26, 2013

Bakit kita iboboto?


Umpisa na ng pangangampanya at kanya kanya ng pag papabango at pag papapogi ang mga kandidato para lang masungkit ang pinaka aasam na boto at maluklok sa kapangayarihan.

Ano ba talaga ang batayan o kwalipikasyon ng isang kandidato upang siya’y ating iboto?

Dahil ba siya ay may mataas na pinag aralan, mayaman at miyembro ng isang kilalang pamilya? O di kaya ay artisa, anak ng artista, kapatid ng artista? Baka naman dahil siyay aktibista at taliwas sa lahat ng proyekto ng gobyerno?

Malaya tayong pumili ng mga lider na iluloklok natin sa pwesto at mamahala sa ating bayan at higit sa lahat may kanya kanya tayong basehan sa pagpili ng ating iboboto. Ngunit dapat tayong mapanuri sa kung sino at kung ano ba ang layunin ng isang politiko sa pag takbo sa “Serbisyo publiko”, kung pag sisilbi nga ba talaga sa kanyang nasasakupan ang kanyang intensyon o may bahid ng pansariling interes. Alalahanin natin na sa bawat maling pagpili ng ating lider kinabukasan natin at ng ating bayan ang nakasalalay.

Kung ako ang tatanungin dalawa lang naman ang katangiang hinahanap ko sa isang kandidato upang siya’y aking iboto.

Siyempre nangunguna sa aking listahan ay kung may KAKAYAHAN ang isang kandidato. Kung kaya ba niyang maglingkod at alam niya ba kung ano ang kanyang mga responsibilidad at Gawain sa kanyang tinatakbuhang posisyon. Kung may kapasidad siyang palaguin ang kanyang nasasakupan. Marami kasing politiko ngayon na hindi talaga alam kung paano magpalakad ng isang komunidad, walang kaalam alam sa mga responsibilidad at trabahong naka atang sa kanila at higit sa lahat ay walang eksperyensya sa ganitong posisyon o pamamalakad.Karamihan kasi ay ginagamit ang kanilang yaman , impluwensiya at kasikatan para makaupo sa posisyon.

Higit sa lahat ay ang BUONG PUSONG PAGLILINGKOD para sa kanyang nasasakupan. Yung marunong nagsakripisyo para sa ikabubuti ng nakakarami at hindi lang  ang sarili at bulsa ang iniisip. Yung tipong kahit anong oras ay handng tumulong at mag silbi sa kanyang mamamayan at hindi yung di mahagilap sa opisina at puro pag papa kitang tao ang ginagawa. Higit sa lahat yung lagging iniisip kung papaano paunlarin ang kanyang nasaskupan at hindi ang pagkulimbat sa kaban ng bayan.

Sana isipin natin ng paulit ulit kung bakit natin iboboto ang isang kandidato! Alalahanin natin kinabukasan n gating bayan ang nakasalalay sa ating mga desisyon.

Wag tayong palilinlang sa mga nagbabalatkayo at tinatago ang kanilang tunay na hangarin sa pagtakbo.
Kung Gusto natin ng pagbabago na ating ito! Ikaw? BAKIT MO SIYA IBOBOTO? 

1 comment: