Sunday, February 24, 2013

Mga pasaway at epal naglipana!


Nagumpisa na nga ang opisyal na pangangampanya para sa mga kandidato sa national positions ngunit bakit may mga ilang kandidato sa lokal na posisyon ang nakikisabay?

Ayon sa COMELEC sa March 29, 2013 pa ang umpisa ng kampanya para sa lokal na mga kandidato mula sa Gobernador, Congressman pababa sa miyembro ng sangguniang bayan ngunit ang dami talagang pasaway at epal. Kung maglilibot ka sa mga lungsod at bayan makikita ang napakadaming tarpaulin na saksakan ng laki, mga sticker na nakadikit sa mga tricycle at pedicab mga poster na kung saan saan nakadikit at kung ano anu pang gimik para lang mapansin at mapag usapan.

Nakakainis talaga! tuwing nakikita ko ang mga nakasabit na greetings kuno/campaign paraphernalia  ay nabubuwesit ako dahil kahit ang simple at madaling intindihing batas sa pag sunod sa tamang pangangampanya ay di pa masundan ng mga kandidatong ito!

Nakakalungkot talaga dahil ang iba pa sa kanila ay naturingan pang abogado at ang iba pa ay mataas ang pinag aralan. Sa kanilang pinapakita mabuti pa yung nasalubong kung pulubi na tumawid sa tamang tawiran at tinapon ang hawak niyang basura sa basurahan kaysa sa mga kandidatong pasaway at  dumadagdag pa sa mga basurang dapat ng itapon.

Papaano natin pagkakatiwalaan at iboboto ang mga ganitong klaseng tao. Sila na dapat isa sa mga tagapag patupad ng batas ay isa din sa mga bumabali at di sumusunod sa batas. Ganito ba ang klase ng Lider na ating iluloklok? Isang Pasaway? Isang Epal?

No comments:

Post a Comment