Mainit na pinag tatalunan at pinaguusapan ang
tungkol sa anti cyber crime law, saan man pumunta sa sari sari
store o sa paradahan ng jeep, sa umpok ng mga estudyante o sa faculty room ito
and kanilang pinag uusapan.
Ang iba binansagan pa itong “CYBER MARTIAL LAW” sa
kadahilanang ito daw ay hi tech na bersyon ng martial law ni marcos. Meron din
naman nag tatanong kung bakit ang bilis naman nitong naisabatas samantalang and
FOI o Freedom of Information Bill na matagal ng nakabinbin at mas kinakailangan
ay hindi pinapansin. Meron ding kuro kuro na ganti ito ni Sotto sa mga
kritikong nag “bully” daw sa kanya nang mahuli siyang nangopya ng artikulo mula
sa mga bloggers.
Bakit umaangal ang mga netizens sa pag sasa batas ng
cyber crime law??
Marami ang tumutuligsa sa binansagang “CYBER MARTIAL LAW” sa
kadahilanang ito ay lumalabag sa karapatang pantao particular ang karapatang sa
pag papahayag.
Una sa lahat walang
kalinawan kung paano susukatin ang paglabag sa batas na ito. Halimbawa nag like
o kaya ay share ako ng criticismo o di kaya ay pag batikos sa isang personalidad
ay makukulong na ako sa kasong libel?? Paano kung totoo naman ang mga batikos
sa personalidad na iyon?? O di kaya’y pinapahayag mo lamang ang iyong opinion sa
mga isyu lalong lalo na sa mga katiwalian gobyerno ? BAWAL bang magpahayag
ng opinion??Bawal bang ipaalam sa taong bayan ang mga katarantaduhang ginagawa
ng kanilang mga lider?? At anong pinag kaiba ng pagpapahayag sa internet sa pag
babalita ng mga radio at telebisyon?
Isa pa sa nakakasuklam na nilalaman ng batas na eto ay ang
posibleng maging parusa sa mahahatulan sa paglabag sa batas na ito, LABING
DALAWANG TAONG PAGKABILANGGO!! higit na mas mabigat kaysa sa mga mabibigat na
krimen tulad ng rape. Ganyan ba kalala ang perwisyong maiidudulot mo sa
pagpapakatotoo?
Ilang milyong piso din ang ilalaan sa pagpapatupad ng batas
sa hindi pinagisipang batas na ito na sana ay ginasta nalang sa pagpapagawa ng
mga silid aralan upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga mag aaral. Hindi
niyo ba alam na milyun milyon ang nag la like at share ng mga pagbatikos sa mga
kapalpakan sa ating gobyerno, na kapag ikinulong ay siguradong pati mga classroom
ay magiging piitan na.
Nasaan na ang tuwid na daan?? Mukhang hindi hindi lang
baluktot na daan ang ating tinatahak kundi madilim na daan. KAYO ANG BOSS KO! Yan
ang ipingako niyo sa taong bayan, puwes patunayan niyo.
Alam ko na kailangan natin ang Cyber Crime Law upang sugpuin
ang mga krimen gamit ang makabagong teknolohiya ngunit wag naman nating idamay
at tapakan ang karapatan ng bawat isa sa atin- ANG KARAPATANG MAGPAHAYAG. Alalahanin
sana nating tayo ay nasa demokratikong bansa na ang opinion at partisipasyon ng
taong bayan ay dapat isa alang alang.
Umaasa parin kaming lahat na ameyendahan ang batas na ito
para sa mas ikabubuti ng bawat isa at patuloy sana pagtahak natin sa tuwid na
landas.
FUCK THE CYBER CRIME LAW!!
ReplyDelete