Thursday, October 4, 2012

Ang Lihim ng Kantang Spolarium


Isa sa mga pinakasikat na kanta ng bandang eraserheads and spolarium, ito ay isa sa mga kanta sa kanilang album na “Sticker Happy” na lumabas noong 1992 .

Nagulat kami ng aking mga kasamahan nan gaming matuklasan ang kwento sa likod ng kantang ito. Ayon sa mga blogs, websites at mga video na nakita namin gamit ang internet, ang kantang ito ay istorya kung paano hinalay ang isang batang artista noong dekada otsenta.

Kung pag aaralan ang kantang ito makikita mo ang mga impormasyon sa kung saan at papaano naisagawa ang krimen pati narin ang sinasabing salarin at kung papaano nakalimutan at nabura ang kawalang hiyaang ito.

Ayon sa nabasa ko sa isang blog, tuwing napaguusapan daw ang kantang ito binabahagi ng mga propesor sa unibersidad ang kanilang kaalaman sa tunay na kwento sa likod ng kantang ito.  

ITO AND BUONG TITIK AT INTERPRETASYON SA KANTANG ITO

dumilim ang paligid -------------------gabi nangyari
may tumawag sa pangalan ko
labing isang palapag -------------------numero ng condo
tinanong kung okey lang ako
sabay abot ng baso ----------- --------  nag umpisang maginuman
may naghihintay
at bakit ba ‘pag nagsawa na ako
biglang ayoko na
at ngayon
di pa rin alam
kung ba’t tayo nandito
puwede bang itigil muna
ang pag-ikot ng mundo
lumiwanag ang buwan
san juan------------------------------ lugar ng pinangyaihan
di ko na nasasakyan --------------- nagsimula na ang krimen
ang lahat ng bagay ay
gumuguhit na lang
sa ‘king lalamunan
ewan mo at ewan natin
sinong may pakana?
at bakit ba
tumilapon ang
gintong alak diyan sa paligid mo?
at ngayon
di pa rin alam
kung ba’t tayo nandito
puwede bang itigil muna
ang pag-ikot ng mundo
umiyak ang umaga
anong sinulat ni enteng at joey diyan------pangalan ng sinasabing salarin
sa pintong salamin
di ko na mabasa -------------------------- di nabigyan ng hustisya
pagkat merong nagbura ----------------- sapagkat may isang pilit pingtakpan ang krimen
ewan ko at ewan natin
sinong nagpakana?
at bakit ba tumilapon ang spoliarium
diyan sa paligid mo?
at ngayon
di pa rin alam
kung ba’t tayo nandito
puwede bang itigil muna -------------dahil sa hindi nakayanan ng biktima siya ay nagpakamatay
ang pag-ikot ng mundo

Sinasabing ang kapatid ng isa sa mga maysala ang nag takip ng mga tunay na pangyayari at ginamit niya ang kanyang posisyon sa gobyerno. May mg anabas din ako na umamin din ang mga salarin at humingi ng “public apology” at di na umusad ang kaso na parang bulang biglang naglaho.

 Ito ng link ng blog kung saan ko nabasa ang ukol dito. http://dalubhasangpinoy.wordpress.com/2012/08/17/spolarium-by-the-eraserheads/






1 comment:

  1. is this have a more deeper explination? parang nakukulangan ako eh. sa tingin ko marami pang meaning ung ibang mga ly
    rics

    ReplyDelete